Ponolohiya ng Wikang Filipino


Panimula

Ponema, Ponemika, at Ponetika

Ang Palatunugan at Tinging Pahapyaw na Pagtakalay sa Palabigkasan 

ni Rene Jhon C. Carumba (BSEd - Filipino)

Ang aralin sa palabigkasan, palatuldikan at makabuluhang tunog ng isang wika ay lahok sa pag-aaral ng ponolohiya ng wikang Filipino. Ayon sa binigay na depinisyon ng UP Diksiyonaryong Filipino, Edisyong Deluxe: Ang ponetika o palabigkasan ay agham ng tunog ng mga salita at ang pagpapalabas o pagbigkas sa mg ito.

Ang isang mag-aaral na walang kaalaman hinggil sa palatunugan o Ponolohiyang Filipino ay aakalain na ang mga tunog o ponema ay bahagi  ng Palabaybayang Filipino.  Isa ang nabanggit sa dahilan kung bakit natin dapat alamin ang pinagkaiba ng patalakay sa palabaybayan at palatunugan. Sa lekturang ito, magiging malinaw sa mga mag-aaral ang ponema na bumubuo sa kanyang pagsasalita.  Tulad ng alinmang wika sa daigdig, ang Filipino ay binubuo ng mga tunog. Sisimulan natin ang aralin  sa Palatunugan sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga tunog na bumubuo rito. Simulan natin sa;


Ang Pagsasalita

Tatlong (3) salik na kinakailangan upang makapagsalita ang tao:

👉Pinanggagaling ng lakas o enerhiya.

👉Pumapalag ng bagay o artikulador.

👉Patunugan o resonador.


Makabagong Balarilang Filipino nina Santiago at Tiancgo, 1991

Makabagong Balarilang Filipino nina Santiago at Tiancgo, 1991


Sa pamamagitan ng interaksyong nagaganap sa tatlong salik na ito nakalilikha tayo ng tunog na ating naririnig, nakalilikha rin tayo ng tunog sa pamamagitan ng palabas ng hangin mula sa baga na siyang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya, ang palabas na hanging ito ay tinatawag na eksplosibo o pabuga Samantalang ang mga wikang pahigop naman ang bigkas ay implosibo.  

Apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog.

👉Dila at panga (sa ibaba)

👉Ngipin at labi (sa unahan)

👉Matigas na ngalangala (sa itaas)

👉Malambot na ngalangala (sa likod)

Ayon kay Alfonso O. Santiago ang pangunahing tungkulin ng dila ay sa pagkain at hindi sa pagsasalita. Pangalawang tungkulin lamang dila ang tungkol sa pagsasalita, ang dila ay napapahaba, napapaikli, napapalapad, napapapalag, naitutukod sa ngipin o sa ngalangala, naikukukob, naililiyad o naiaarko ayon sa tunog na gustong bigkasin. Nababago rin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig dahil sa panga at dila na kapuwa malayang naigagalaw.


Ponolohiya ng Filipino

 Ponemang Segmental at Ponemang Suprasegmental ang bumubuo sa wikang Filipino. Tinatalakay sa Ponemang Segmental ang mga katinig, mga patinig, diptonggo,  klaster, pares minimal at ponemang malayang nagpapalitan. Sa Ponemang Suprasegmental naman tinatalakay ang haba at diin, tono at antala.

Ponemang Segmental

 Nagbabago ang kahulugan ng isang salita kapag nawawala ang isang ponema o nadaragdagan ito. Ang makabuluhang tunog ng isang wika ay napakahalaga sa pang-araw-araw na komunikasyon ng isang indibidwal upang maintindihan ng kanyang kausap. Tingnan ang halimbawa alinsunod sa pagtalakay  nina(Santiago at Tiangco 1991).

Ang salitang bansâ, halimbawa ay mag-iiba ang kahulugan  kapag inalis o pinalitan ang /s/ - banâ o maliit na lawa, bantâ o ‘threat’ naman kapag pinalitang ponemang /t/. Samakatuwid ang /s/ ay isang makabuluhang tunog sa Filipino o ponemang segmental. Nilinaw din sa pagtalakay nina (Santiago at Tiangco, 1991) ang ganap na asimilasyon  sa isang salita na iba sa tinutukoy na halimbawa sa itaas.  Ang salitang “asinan” (lagyan ng asin) sa pangungusap na “Asinan mo ang isda” ay nagkaroon ng asimilasyon – nawala ang “i” at nagiging  “Asnan mo ang isda” na hindi nag-iiba ang kahulugan. Gayundin naman ang pagpapalit ng “r” sa “d” sa katagang “daw” kung ito’y sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig.

Ang Filipino ay may 21 ponema – 16 sa mga ito ang katinig at 5 naman ang patinig.

👅Mga Katinig - /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h, l, r, w, y/

👅Mga Patinig - /i, e, a, o, u/           

Mga Ponemang Katinig sa Filipino

Punto ng Artikulasyon inilalarawan sa limang (5) punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang saglit na pagpigil o pag-abala sa papalabas na hangin sa pagbigkas ng isang katinig. (Santiago at Tiangco 1991).

1.  Panlabi – ang ibabang labi ay dumidiit sa sa labing itaas. /p, b, m/

2. Pangngipin – ang dulo ng dila ay dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas. /t, d, n/

3. Panggilagid – ang ibaba ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid. /s, l, r/

4. Pangalangala

😊Matigas (Palatal) – dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila. /y/

😊Malambot (Velar) – dumidiit sa malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila. /k, g, ŋ/

5. Glottal – naglalapit ang kuwerdas ng pantinig  at hinaharang ang presyon ng papalabas na hininga upang limukha ng paimpit o pasutsot na tunog. Pahina 3 at 4.


Paraan ng Artikulasyon inilalarawan kung paano gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita.

1. Pasara – ang daanan ng hangin ay harang na harang. /p, t, k, ?, b, d, g/

2. Pailong – ang hangin ay nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng malambot na ngalangala ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas. ./m, n, ŋ/

3. Pasutsot – ang hanging lumabalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang pantinig. /s, h/

4. Paligid – ang hangin ay lumabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid./l/

5. Pakatal – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinabayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag sa dulo ng maarkong dila. /r/

6. Malapatinig – nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon ng labi o dila patungo sa ibang posisyon. /w, y/.


Ponemang Patinig  sa Filipino

1. Ang patinig ay katulad ng katinig sa Filipino.

2. Ito ay maiiayos din sa tsart ayon naman sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas



Harap

Sentral

Likod

Mataas

i



u

Gitna

e



o

Mababa



a




Diptonggo, Klaster, Pares Minimal, at Ponemang Malayang Nagpapalitan

Mga Pares Minimal

Ito ay ang ponema o makabuluhang tunog ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita sa sandaling ito ay alisin o palitan. Sa pamamagitan ng pares ng mga salita, madaling maipapkita ang ganitong kaligiran.

Halimbawa:

 Pala= /pala/ = ‘shovel’   ambon = /ambon/ = ‘drizzle’

 Bala= /bala/ = ‘bullet’   ampon = /ampon/ = ‘adopt


Ponemang Malayang Nagpapalitan

Ang mag-kaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nag papabago sa kahulugan ng mga salita ay sinasabing nasa malayang pagpapalitan.

Halimbawa:

Kapag nagpakita ng ibang anyo ang dalawang tunog o ponema sa magkatulad na kaligiran, ang kahulugan ay nagbabago;

 Mesa – misa   oso - uso

 Ewan – iwan    boto – buto

May mga pagkakataong ang pagpapalit ng ponema ay hindi nakakapagbago sa kahulugan ng salita;

Lalake – lalaki  abogado - abugado

Raw -  daw   opo – oho

 

Diptonggo

Ayon kay Santiago at Tiangco (2003), ang mga diptonggo ng Filipino aw,iw,iy,ey,ay, at uy. Ito ay tumutukoy sa alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na w/0/y sa loob ng isang pantig.



Harap

Sentral

Likod

Mataas

iw, iy



Uy

Gitna

ey



Uy

Mababa



aw, ay



Halimbawa:

giliw    

kasoy

reyna    

kami’y (dinaglat na kami at ay)

bahay    

mababaw

 

Mga Klaster

Busod ng nagbabagong panahon at impluensiya ng mga dayuhan lalo na ng Ingles, ang mga klaster o kambal-katinig-mahkasund na magkaibang katinig sa loob ng isang pantig, sa Filipino ay parami na nang parami.

Nagbigay si Santiago at Tiangco, 1991 ng maaaring kumbinasyon ng mga ponemang katinig na maituturing na klaster.



/w/

/y/

/r/

/l/

/s/

/p/

pwede

pyano

preno

Plano



/t/

twalya

tyangge

trabaho



Tsinelas

/k/

kwago

kyosko

krus

Klase



/b/

bwaya

byenan

braso

Blangko



/d/

Dwende

dyaryo

drama





/g/

Gwapo

gyera

grupo





/m/

mwebles

myembro







/n/

nwebe

Nyebe







/l/

lwalhati

Lyabe







/r/

rweda

Patrya







/s/

sweldo

Syota







/h/

hweteng

x








Glotal na Pasara o Impit na Tunog at Ponemang Suprasegemental 

Tinawag sa BALARILA NG WIKANG PAMBANSA o matandang balarila ang /?/ bilang impit na tunog o glottal na pasara, isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsasara ng glottis. Ang glottal na pasutsot  /h/ naman ay nalilikha sa pamamagitan ng bahagyang pagbukas  ng glottis.  Pansinin ang pag-aaral.

Ang glottal na pasara ay nalilikha sa pamamagitan ng pagsasara ng glottis habang nagsasalita. Ang ilan sa mga awtor o manunulat ng aklat pampaaralan ay gumagamit ng simbolong /q/o kaya ay itinataas ang koma, /?/ tandang pananong na inalisan ng tuldok. Ngunit sa palabaybayan ng wikang Filipino ang glottal na pasara ay kinakatawanan ng tuldik na paiwa /ˋ/ at gitling (-) tulad ng mga ss:

Batà, bagà, batì at mag-alis.

Ang glottal na pasutsot /h/ naman ay inirerepresenta ng titik ‘h’ ay maituturing na kasalungat ng glottal na pasara sapagkat sa halip na magdiit ang dalawang kwerdas pantinig, ang mga ito’y naglalayo upang malayang makaraan at hindi pumalag ang mga kwerdas pantinig sa pagbigkas ng ponemang /h/, ito’y maituturing na voiceless o walang boses.

Ang /ŋ/ ay katumbas ng “ng” sa ating ABAKADA na bagamat binubuo ng ng dalawang titik ay sumasagisag lamang sa isang makahulugang


Ponemang Suprasegmental

Pag-aaral ng makabuluhang yunit ng tunog. Hindi ito tinutumbasan ng letra o titik sa halip ay sinasagisag nito ang notasyong ponemik upang mabanggit ang paraan ng pagbigkas”(UP Diksiyonaryong Filipino). Sa pamamagitan ng Ponemang Suprasegmental nagiging higit na mabisa  ang ating pakikipagtalasan. (Santiago at Tiangco).

Sa aklat ni Santiago at Tiangco 1999, apat ang kinilala nitong ponemang suprasegmental.  

    • Tono o pitch
    • Haba o length
    • Diin o stress
    • Antala o juncture

Ang tono ay tumutukoy sa taas – baba ng bigkas ng pantig ng isang salita, ang haba ay sa haba ng bigkas ng patinig sa pantig, ang diin ay sa lakas ng bigkas ng pantig, at ang antala ay sa saglit na pagtigil na ating ginagawa sa ating pagsasalita.

1.      Tono – taas-baba na iniuukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa ating kapwa.

(a)                   3                                                                 (b)       3

2                      pon                                                    2                 ha

Ka              1                                                             ka                           1

                Ha                                                                                         pon


Haba at diin– ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng isang nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita, pagbibigay pansin sa pagbigkas ng isang salita /./ upang ipahiwatig na ang bahagi ng salita ay may diin. Mahalagang mga diin sa pagbigkas nang may diin.

Halimbawa:

Break, break, break

On thy cold, gray stones, O sea!

 Ang unang linya ng tula ay binubuo ng tatlong pantig lamang, samantalang ang ikalawang linya ay binubuo ng pitong pantig. Sa Filipino, hindi maaari ang ganito kapag ang pinag-uusapan ay ang kumbensiyonal na tula na may sukat at tugma.

Halimbawa:

Pag-ibig anaki’y aking nakilala,

Di dapat palakhin ang bata sa saya.

Halimbawa: (Paggamit ng tuldok sa isang salita na ma’y diin)

Bu.kas – susunod na araw

Bukas – hindi sarado

Halimbawa: (Paggamit ng malalaking titik sa pagpapakilala ng pantig na may diin.

BU:hay – kapalaran ng tao.

Bu:HAY – humuhinga pa


Antala o Juncturesaglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahatid sa ating kausap. Sa anyong pasulat, ang antala ay maaaring ihudyat ng mga bantas tulad ng kuwit(,), tuldok(.), tuldok-kuwit(;), at ng tutuldok(:).

Halimbawa:

Tito Jose Antonio ang kaibigan ko. – ipinapakilala ang kanyang kaibigan.

Tito, Jose Antonio ang kaibigan ko. – ipinapakilala ang kanyang kaibigan na si Jose Antonio sa kanyang Tito.

Tito Jose, Antonio ang kaibigan ko. – ipinapakilala ang kanyang kaibigan na si Antonio sa kanyang Tito Jose.

Tito Jose Antonio, ang kaibigan ko -  ipinapakilala ang kanyang kaibigan sa kanyang Tito Jose Antonio.

Iba pang halimbawa:

Hindi masarap – It’s not delicious.

Hindi, masarap – No, it’s delicious.


Paglalagom ng Paksa

  Ayon kay Alfonso O. Santiago at Norma Tiangco, 1991. Ang hambigang Segmental at Suprasegmental ay maituturing ngang isang ulam, ito raw ay sinigang na karneng baboy. Ang karneng baboy ang siyang pinakaprinsipal na sangkap na maihahalintulad sa ponemang segmental, kung wala ang karneng baboy ano ang magiging lasa nito kung ang sangkap lamang ay pawang mga rekados na siyang ponemang suprasegmental. Samakatuwid kapag ito ay pinakuluan kasama ang kompletong sangkap lalabas ang sarap ng lasa na siya namang unawaan sa paggamit ng salita at pagbuo ng pangungusap. Ang Palabigkasan at Palatunugan ay kapuwa sangkap sa pag-aaral ng Ponolohiya ng wikang Filipino.


Sanggunian:

  • Santiago, Alfonso at Tiangco, Norma, Makabagong Balarilang Filipino, 1991
  • Dolores Tanawan ,atbp - Istruktura ng wikang Filipino
  • Acopra, Jioffre, Retorika: Sining ng Pagpapahayag Pandalubhasaan, 2015
  • Mabilin – Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino
  • Panimulang Linggwistika ni Alfonso O. Santiago, 1979
  • UP Diksiyonaryong Filipino, Edisyon Deluxe


Para sa iba pang aralin: I - click ang https://www.youtube.com/watch?v=NsQjhLnj1Do&t=191s

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

comment form message dito