Hindi ito tinutumbasan ng letra o titik sa halip ay sinasagisag nito ang notasyong ponemik upang mabanggit ang paraan ng pagbigkas. - UP Diksiyonaryong Filipino
Sa pamamagitan ng Ponemang Suprasegmental nagiging higit na mabisa ang ating pakikipagtalasan. (Santiago at Tiangco)
Sa aklat ni Santiago at Tiangco 1999, apat ang kinilala nitong ponemang suprasegmental.
- Tono o pitch
- Haba o length
- Diin o stress
- Antala o juncture
Ang tono ay tumutukoy sa taas – baba ng bigkas ng pantig ng isang salita, ang haba ay sa haba ng bigkas ng patinig sa pantig, ang diin ay sa lakas ng bigkas ng pantig, at ang antala ay sa saglit na pagtigil na ating ginagawa sa ating pagsasalita.
Tono – taas-baba na iniuukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa ating kapwa.
(a)
3
(b)
3
2
pon
2
ha
Ka
1
ka
1
Ha pon
Haba at diin– ang haba ay
tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng isang nagsasalita sa patinig ng
pantig ng salita, pagbibigay pansin sa pagbigkas ng isang salita /./ upang
ipahiwatig na ang bahagi ng salita ay may diin. Mahalagang mga diin sa
pagbigkas nang may diin.
Halimbawa:
Break, break, break
On thy cold, gray stones, O sea!
Ang unang linya ng tula ay binubuo ng tatlong
pantig lamang, samantalang ang ikalawang linya ay binubuo ng pitong pantig. Sa
Filipino, hindi maaari ang ganito kapag ang pinag-uusapan ay ang kumbensiyonal
na tula na may sukat at tugma.
Mga Halimbawa:
Pag-ibig anaki’y aking nakilala,
Di dapat palakhin ang bata sa saya.
Paggamit ng tuldok sa isang salita na ma’y diin
Bu.kas – susunod na araw
Bukas – hindi sarado
Paggamit
ng malalaking titik sa pagpapakilala ng pantig na may diin.
BU:hay – kapalaran ng tao.
Bu:HAY – humuhinga pa
Antala o Juncture – saglit na pagtigil sa
ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating
ipahatid sa ating kausap. Sa anyong pasulat, ang antala ay maaaring ihudyat ng
mga bantas tulad ng kuwit(,), tuldok(.), tuldok-kuwit(;), at ng tutuldok(:).
Halimbawa:
Tito Jose Antonio ang kaibigan ko. – ipinapakilala ang kanyang kaibigan.
Tito, Jose Antonio ang kaibigan ko. – ipinapakilala ang kanyang kaibigan na si Jose Antonio sa kanyang Tito.
Tito Jose, Antonio ang kaibigan ko. – ipinapakilala ang kanyang kaibigan na si Antonio sa kanyang Tito Jose.
Tito Jose Antonio, ang kaibigan ko - ipinapakilala ang kanyang kaibigan sa kanyang Tito Jose Antonio.
Iba pang halimbawa:
Hindi masarap – It’s not delicious.
Hindi, masarap – No, it’s delicious.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
comment form message dito