Kaugnayan ng Awstronesyo sa Etnolingguwistik, Sosyolingguwistik, at Sikolingguwistik

Sa pananaliksik ng etnolingguwistikong pagtalakay, nabuo ang isang konsepto sa aking isipan, isang modelo na konektado sa awstronesyo at etnolingguwistiko, sosyolingguwistiko at sikolingguwistiko.

Ang modelong ito ay koneksiyon ng austronesyano at etnolingguwistikong grupo sa Filipinas. Makikitang ang mga salitang isa at usa na kapwa magkasingkahulugan ngunit nabibilang sa magkaibang etnikong grupo. Halos magkasingtulad ang estruktura ng dalawang salita batay sa baybay, tunog at paggamit na kapuwa sinasabing nagmula sa “Language Family” ng austronesyano. Rehiyon ng katagalugan ang gumagamit sa salitang isa na isang halimbawa ng pangkat etnikong grupo, ang rehiyon ng kabisayaan naman ang gumagamit ng salitang usa na isa ring pangkat etniko sa Filipinas. Ginagamit ang isa o usa sa pagbibilang.

Ang mga kabisayaan ay maaring magkaroon ng adaptasyon sosyolingguwistik  kung nanaisin nilang pumunta o magtungo sa katagalugan dahil dala nila ang konsepto o estruktura ng halos magkasingtulad na mga salita at sinasabi ring nagmula sa language family ng austronesyano - sikolingguwistik. Dahil ang mga wika sa Filipinas ay magkakamag-anak, magkakalapit ang estruktura at paraan ng paggamit sa mga salita.

- G. Rene Jhon Carumba  

BSEd Filipino, 2016 

Para sa iba pang aralin: I-click ang https://www.youtube.com/watch?v=NsQjhLnj1Do&t=191s

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

comment form message dito